‘Juetengate’

Gaya ng nangyari
kay Estrada, ang anomalya sa jueteng at iba pang iskandalo ang magpapabagsak sa
gobyerno ni Gloria

Habang nanonood ako ng telecast ng hearing sa Senado hinggil sa jueteng, hindi
ko mapigilan ang mainis at matawa ng sabay. Kanya-kanyang karakter ang mga iniharap na witness, pero siyempre, sapat na
ang presensya ng mga Senador para maging lubos na katawa-tawa ang pagdinig.

Mga saksi:

Boy Mayor - Witness ng Krusadang Bayan laban sa Jueteng. Jueteng lord. Alam niya ang operasyon ng jueteng sa buong Bicol. Unang nagdawit sa mga ‘big fish’ gaya nina Gen. Art Lomibao ng PNP, Mikey Arroyo at iba pang mayors, governor, kongresista.


Richard Garcia - aminadong bagman, maraming koneksyon at alam sa operasyon ng
jueteng, nakatrabaho raw ng maraming pulitiko at opisyal ng pulis sa jueteng. dating pulis.

Cerilles - clown witness, sobrang nakakainis dahil nakakatawa ang mga sinasabi
niya.

Sabi ni Lacson sa isang witness - "Ayaw na kitang kausap." Matapos
mairita sa sagot ng  saksi na halatang hindi naintindihan ang itinatanong
ni Lacson.

Sumingit si Loi - "Your Honor, can I give my three minutes to
Senator Jinggoy?" habang tinatanong ni Jinggoy ang isang witness.

Sagot naman ni Jinggoy - "Thank you my beloved mother."

Taning isang Senador - "Kung hindi natigil ang jueteng, lalantad ka pa ba?

Sagot ng witness - "Hindi na."

Sabi ni Gordon - "Napaka impressive na napakadali palang pasukin ng pulis
at PNP ang jueteng?"       
               
    (Hello, sang
bansa ka ba nakatira? Bakit ka nagtatanga-tangahan Senator Dick?)

Tanong ni Gordon  - "Sino ang may hawak ng national?" (jueteng
operations sa national level)

Giit ni Garcia - "Si General Lomibao po"

Kwento pa ni Garcia - "Wala po sa posisyon yan, kung gusto ng opisyal,
kahit barangay captain o mayor kayang pahintuin ang jueteng." Ang guerilla
jueteng sila rin ang nag-ooperate.

Sabi ni Loi - "Bakit po ninyo pinagbibintangan si Senator Lacson….Baka
bukas makalawa, kami ni Senator Jinggoy, madamay na rin sa jueteng dahil kami
naman talaga ang oposisyon dito."

(Hindi pa man, defensive na..)

to be continued…. manonood muna ulit ako ng hearing. 

Leave a Reply