Archive for June, 2005

pasensya na di ko mapigilan!

Tuesday, June 7th, 2005

Ang saya-saya ng pulitika sa Pilipinas!

Aliw!

Mas makulay pa sa kahit na anong korning teleserye at fantaseryeng napanood ko.

May lumabas na namang iskandalo laban kay Gloria, mismo si Presidential Spokesperson Bunye ang naglabas nung isang araw ng dalawang CD na naglalaman ng ‘taped conversation’ ni Gloria, FG Mike at a certain Gary/Garci (allegedly Comelec Commissioner Virgilio Garcillano). CD version na lang ito ng audio tapes ng pakikipag-usap ni Gloria.

Pag nagkataon, mas explosive pa ang expose na ito kaysa sa jueteng scandal noon nag-trigger ng pagbagsak ni Erap.

Mantakin mo, Presidenteng nanalo dahil sa pandaraya. Totoo, mahirap patunayan pero posible at kayang gawin ni Gloria.

Inamin naman mismo ni Bunye na may ganoon ngang conversation si Gloria. Kaya nga may original at altered version. Sabi nga ni Chiz Escudero, there is no expert that can authenticate the voice in the tape other than the President herself." Very incriminating, walang lusot si Gloria. She’s digging her own political grave.

Saan ba galing ang tapes?  -  Galing ang tapes Kay Atty. Paguia, abogado ni Erap. He distributed it to some media people. Reports said that the Kilusang Makabansang Ekonomya already exposed the audio tapes even before Malacanang presented it to the media last June 6.

As i see it, damage control na lang ang ginawa ng Malakanyang sa paglalabas ng tapes, and they swiftly connected the tapes to alleged destabilization plot against Arroyo. Kesyo there’s a new batch young officers planning a coup against Arroyo, and that there’s a power grab that will happen on or before June 25.

Actually, there’s a big rally happening on June 11 at Plaza Miranda. The activity dubbed as National Day of Mourning is spearheaded by Catholic Church bishops. Everyone is invited to attend.

Marami pang nangyayari. Marami pang nagsasalita. Mas marami pang mabubunyag.

Next on wire tapping….

‘Juetengate’

Sunday, June 5th, 2005

Gaya ng nangyari
kay Estrada, ang anomalya sa jueteng at iba pang iskandalo ang magpapabagsak sa
gobyerno ni Gloria

Habang nanonood ako ng telecast ng hearing sa Senado hinggil sa jueteng, hindi
ko mapigilan ang mainis at matawa ng sabay. Kanya-kanyang karakter ang mga iniharap na witness, pero siyempre, sapat na
ang presensya ng mga Senador para maging lubos na katawa-tawa ang pagdinig.

Mga saksi:

Boy Mayor - Witness ng Krusadang Bayan laban sa Jueteng. Jueteng lord. Alam niya ang operasyon ng jueteng sa buong Bicol. Unang nagdawit sa mga ‘big fish’ gaya nina Gen. Art Lomibao ng PNP, Mikey Arroyo at iba pang mayors, governor, kongresista.


Richard Garcia - aminadong bagman, maraming koneksyon at alam sa operasyon ng
jueteng, nakatrabaho raw ng maraming pulitiko at opisyal ng pulis sa jueteng. dating pulis.

Cerilles - clown witness, sobrang nakakainis dahil nakakatawa ang mga sinasabi
niya.

Sabi ni Lacson sa isang witness - "Ayaw na kitang kausap." Matapos
mairita sa sagot ng  saksi na halatang hindi naintindihan ang itinatanong
ni Lacson.

Sumingit si Loi - "Your Honor, can I give my three minutes to
Senator Jinggoy?" habang tinatanong ni Jinggoy ang isang witness.

Sagot naman ni Jinggoy - "Thank you my beloved mother."

Taning isang Senador - "Kung hindi natigil ang jueteng, lalantad ka pa ba?

Sagot ng witness - "Hindi na."

Sabi ni Gordon - "Napaka impressive na napakadali palang pasukin ng pulis
at PNP ang jueteng?"       
               
    (Hello, sang
bansa ka ba nakatira? Bakit ka nagtatanga-tangahan Senator Dick?)

Tanong ni Gordon  - "Sino ang may hawak ng national?" (jueteng
operations sa national level)

Giit ni Garcia - "Si General Lomibao po"

Kwento pa ni Garcia - "Wala po sa posisyon yan, kung gusto ng opisyal,
kahit barangay captain o mayor kayang pahintuin ang jueteng." Ang guerilla
jueteng sila rin ang nag-ooperate.

Sabi ni Loi - "Bakit po ninyo pinagbibintangan si Senator Lacson….Baka
bukas makalawa, kami ni Senator Jinggoy, madamay na rin sa jueteng dahil kami
naman talaga ang oposisyon dito."

(Hindi pa man, defensive na..)

to be continued…. manonood muna ulit ako ng hearing. 

Last Song Syndrome…

Friday, June 3rd, 2005

Lonely No More

Rob Thomas



Now it seems to me
That you know just what to say
Words are only words
Can you show me something else
Can you swear to me that you’ll always be this way
Show me how you feel
More than ever baby

 I don’t wanna be lonely no more
I don’t wanna have to pay for this
I don’t want to know the lover at my door
Is just another heartache on my list

I don’t wanna be angry no more
You know I could never stand for this
So when you tell me that you love me know for sure
I don’t want to be lonely anymore

I don’t wanna be angry no more
You know I could never stand for this
So when you tell me that you love me know for sure
I don’t want to be lonely anymore

What if I was good to you, what if you were good to me
What if I could hold you till I feel you move inside of me
What if it was paradise, what if we were symphonies
What if I gave all my life to find some way to stand beside you