mayo uno
katatapos lang ng may 1 at wala pa talaga akong matinong tulog at kain. di pa nakakabawi sa pagod at puyat. kahapon halos 24 oras akong walang tulog, kala ko di ko na kakayanin, ang sama na ng pakiramdam ko nung papunta sa liwasan. sobrang init pa kaya lalong nakakapang hina. pagdating ng gabi halos wala na talaga akong lakas at masama na rin ang timpla ko, inabot na kasi ng gabi ang program.
taun-taon ganito ang istorya ko pag mayo uno. malaking aktibidad kasi ito para sa mga manggagawa kaya todo ang preparasyon. wala na talagang pahinga, lahat may ginagawa at kanya-kanyang toka.
over-all, naging matagumpay naman ang may 1, pang-apat ko na ngayong taon. hindi naman naging tensyonado ang sitwasyon. mahigpit lang talaga dahil may mga gustong manggulo sa rali.
maganda ang naging programa, maraming mga cultural presentation at maganda ang speeches. syempre maganda ang tema ng pagkilos. nakakatuwa rin ang kinalabasan ng mural kahit 3 araw lang ito ni-rush ng mga kaibigang artists.
ngayon, hindi pa ko nakakauwi, may mga trabaho pa rin kasi. bukas na lang ako magpapahinga.