Archive for May, 2005

American Idol

Wednesday, May 25th, 2005

Bet ko maging new American Idol si Bo Bice. Rock star in the making. I remember Chris Cornell of Soundgarden pag nakikita kong kumakanta on stage si Bo.

Carrie Underwood is good too. Country music naman ang forte niya. Super ang rendition niya ng Angels brought me here ni Martina Mcbride.

Manonood ulit ako mamaya o bukas para sa results ng  American Idol. 

MAINIT KASI

Tuesday, May 24th, 2005

ang init!

akala ko mainit na ang abril, mas mainit pala ang mayo. hindi lang basta mainit, maalinsangan pa talaga. nakakainit ng ulo. sana umulan na lang kung uulan. mas masakit sa ulo ang ganitong init ng panahon, sobrang humid.

kapag ganitong mainit masarap..

…kumain ng halo-halo - P15 lang sa tindahan sa kanto. mas marami at mas masarap kesa dun sa P29 sa chowking

…kumain ng ice craze at sundae sa jolibee - P27/28

…kumain ng sundae cone sa mini stop - P10

…umupo, magpalamig at kumain ng amazing glaze sa go nuts donuts - P16

… uminom ng red ice tea sa tokyo tokyo

…uminom ng yoghurt shake sa mr. kebab

… tumambay sa malamig na mall.

pero ang katotohanan. . .

MAINIT TALAGA!
SANA UMULAN NG YELO! SASALUHIN KO PRAMIS!

Wednesday, May 11th, 2005

TATAAS NA DAW ANG PAMASAHE. KANINA LANG TUMAAS ULIT ANG PRESYO NG LANGIS. APRUBADO NA ANG VAT, TATAAS NA NAMAN ANG PRESYO NG MGA BILIHIN. PATI SINGIL SA MERALCO TATAAS NA RIN. SIGURADO, MAS MATAAS ANG TUITION SA MGA ESKWELA NGAYONG TAON. TSK. TSK. TSK. SAHOD NA LANG NG MGA MANGGAGAWA SAKA YANG PESTENG TSUNANO SA MALAKANYANG ANG HINDI TUMATAAS! LETSE TALAGANG GOBYERNO ‘TO!

tama ba naman?!!!!

Monday, May 9th, 2005

ANO NA NAMANG KABULASTUGAN ANG GINAGAWA NITONG GOBYERNO? TAMA BA NAMANG PAYAGAN ANG PAGTAAS NG PAMASAHE?

Ang hinihingi ng mga drayber rolbak sa presyo ng langis hindi dagdag na pamasahe dahil pati sila maapektuhan rin nito. Mas marami ang wala nang kakayahan magbayad ng dagdag na P2.50 pataas sa P5.50 pamasahe sa dyip at P2.00- 5:00 sa mga bus. Sa per succeeding kilometer 25 centavos ang dagdag.

Kung hindi ba naman sobrang kagaguhan nitong LTFRB, parang masayang-masaya pa at nakangiting aso si Elena Bautista habang ina-announce ang dagdag na pamasahe.

Sino ngayon ang masaya? Syempre ang mga oil companies, nakaligtas na naman sila. Salamat kay Gloria at sa lahat ng kaletsehang ginagawa niya sa ating lahat.

SA WAKAS

Friday, May 6th, 2005

Sa wakas, makakauwi na ako, makakatulog at makakapagpahinga.  Kelan nga ba ko huling umuwi. Ewan di ko na maalala. Basta, makakauwi na ko mamaya. happiness! :)

mayo uno

Monday, May 2nd, 2005

katatapos lang ng may 1 at wala pa talaga akong matinong tulog at kain. di pa nakakabawi sa pagod at puyat. kahapon halos 24 oras akong walang tulog, kala ko di ko na kakayanin, ang sama na ng pakiramdam ko nung papunta sa liwasan. sobrang init pa kaya lalong nakakapang hina. pagdating ng gabi halos wala na talaga akong lakas at masama na rin ang timpla ko, inabot na kasi ng gabi ang program.

taun-taon ganito ang istorya ko pag mayo uno. malaking aktibidad kasi ito para sa mga manggagawa kaya todo ang preparasyon. wala na talagang pahinga, lahat may ginagawa at kanya-kanyang toka.

over-all, naging matagumpay naman ang may 1, pang-apat ko na ngayong taon. hindi naman naging tensyonado ang sitwasyon. mahigpit lang talaga dahil may mga gustong manggulo sa rali.

maganda ang naging programa, maraming mga cultural presentation at maganda ang speeches. syempre maganda ang tema ng pagkilos. nakakatuwa rin ang kinalabasan ng mural kahit 3 araw lang ito ni-rush ng mga kaibigang artists.

ngayon, hindi pa ko nakakauwi, may mga trabaho pa rin kasi. bukas na lang ako magpapahinga. :)